Larangan ng Basketbol
Larangan ng Basketbol Tulad ng maraming mga Filipino, isa rin akong mahilig sa laro ng basketball. Simula ngayon ko talaga napatunayan na gusto ko ang larong ito dahil makalipas ang halos isang taon na hindi aktibo sa paglalaro ay nasa puso ko parin ang pagmamahal para laruin ang larong ito. Ano nga ba ang mangyayari sa mundong walang isports? Sa palagay ko’y napakalungkot nito para sa mga taong itinuturing nang parang buhay nila ang isports. Mahalaga ang ginagampanan ng isports sa ating pang araw-araw na buhay, lalo na sa mga oras ng pagkabagot at kalungkutan, dahil maliban sa nakalilibang ito, ang isports rin ay isang mabisang pang tanggal ng stress at nakakatulong sa pagkakaroon ng malusog at malakas na pangangatawan ng isang tao. Ang basketbol ay isang larong pampalakasan na binubuo ng dalawang koponan ng limang manlalaro bawat isa. Layunin ng laro na maihulog ang bola sa net na may sukat na 18 inches (46 cm) diyametro at ...