Larangan ng Basketbol
Larangan ng Basketbol
Tulad ng maraming mga Filipino, isa rin akong mahilig
sa laro ng basketball. Simula ngayon ko talaga napatunayan na gusto ko ang
larong ito dahil makalipas ang halos isang taon na hindi aktibo sa paglalaro ay
nasa puso ko parin ang pagmamahal para laruin ang larong ito. 
Ano nga ba ang mangyayari sa mundong walang isports? Sa palagay ko’y
napakalungkot nito para sa mga taong itinuturing nang parang buhay nila ang
isports. Mahalaga ang ginagampanan ng isports sa ating pang araw-araw na buhay,
lalo na sa mga oras ng pagkabagot at kalungkutan, dahil maliban sa nakalilibang
ito, ang isports rin ay isang mabisang pang tanggal ng stress at nakakatulong
sa pagkakaroon ng malusog at malakas na pangangatawan ng isang tao. 
Ang basketbol ay isang larong pampalakasan na binubuo ng dalawang koponan ng limang manlalaro bawat
isa. Layunin ng laro na maihulog ang bola sa net na may sukat na 18 inches
(46 cm) diyametro at may taas na 10 feet (3.0 m) na nakasabit sa backboard sa bawat dulo. Isa ang basketbol sa
pinakatanyag at pinapanood na laro sa daigdig.[1]
Ang isang koponan ay makakapuntos
ng isang field goal sa paghulog ng bola sa basket habang
naglalaro. Ang field goal ay may dalawang puntos para sa
koponang nakahulog ng bola kung ang manlalaro ay nasa o malapit sa basket kaysa
sa linya ng tatlong puntos, at ang tatlong puntos (higit na kilala bilang 3
pointer) kung ang manlalaro ay makapuntos sa labas ng linyang ito. Ang
koponang may pinakamaraming puntos sa pagtatapos ng laro ay mananalo, subalit
maaaring magdagdag ng oras (overtime) kung naging tabla ang puntos. Maaaring
isulong ang bola sa loob ng kort sa pamamagitan ng pagtalbog nito habang
naglalakad, tumatakbo o sa pagpasa sa kakoponan.
Simula naimbento ang laro sa Springfield,
Massachusetts sa
Estados Unidos noong 1891, sumulong ito bilang isang tunay na pandaigdigang
palakasan. Nagsimula ang mga organisadong paliga sa YMCA; nabuo ang mga naunang liga sa
mga kolehiyo. Sa kalaunan, naging palakasang propesyunal ang basketbol. Kahit na isang
pampalakasang Amerikano sa una, mabilis na kumalat sa mundo at makikita ang mga
kilalang manlalaro at koponan sa ngayon sa buong mundo.
  
          Maliban sa pagkakaroon ng maraming
benepisyong pangkalusugan, ang paglalaro ng basketball ay nakalilibang rin.
Ngunit bago natin malaman ang mga benepisyong ito, alamin muna natin kung ano
ang basketball. Ang basketball ay isa sa pinaka kilalang isports sa buong
mundo. Ito ay isang laro na binubuo ng dalawang kuponan, at ang bawat kuponan
ay may limang miyembro, na kung saan ay susubukang maka puntos ng bawat kuponan
sa pamamagitan ng pagtapon ng bola sa isang metal na ring na nakalagay sa bawat
dulong bahagi ng basketball court, at kung sinong kuponan ang makakakuha ng
pinakamataas na puntos ay siyang mananalo. Ngayon naman ay ating alamin ang mga
benepisyong makukuha sa paglalaro ng basketball.
§  Nakakatulong sa pagbabawas ng
timbang. Ang paglalaro ng basketball ay nangangailangan ng pisikal na lakas,
kung kaya’t mahigit 630-750 calories ang maaaring matunaw sa katawan ng tao sa
bawat oras ng paglalaro nito.
§  Nakakapag tanggal ng stress. Nakakatulong
sa pagtanggal ng stress ang anumang nakakaaliw, kaya naman masasabing isang
paraan ang paglalaro ng basketball sa pagtanggal ng stress sa katawan ng tao
dahil ito ay nakalilibang.
§  Ito’y tumutulong sa pagdebelop ng
Cardio Vascular Endurance. Ang paglalaro ng basketball ay nakakatulong sa
pagkakaroon ng tao ng mas matibay na endurance, kung saan ay rumeresulta naman
sa pagkakaroon ng malusog na puso, at kapag ang tao’y may malusog na puso, siya
ay malayo sa mga sakit at sa probabilidad ng pagkakaroon ng stroke.
§  Matibay na buto. Ang paglalaro ng
basketball ay binubuo ng napakaraming pisikal na mga gawain, kagaya ng
paglundag, pagtakbo at iba pa, na nakakatulong sa pagdebelop ng mas matibay na
buto.
§  Nakakatulong sa pagkakaroon ng
tiwala sa sariling kakayanan at abilidad. Sa tuwing nakakapuntos o kapag
napapabilang ang isang tao sa isang sikat na kuponan ay mas tumataas ang
kanyang tiwala sa kanyang sarili
Pero bakit nga ba paborito ng Pinoy ang basketball?
1. Halos lahat ng barangay sa Pilipinas may basketball court.
Siguro dahil na din sa impluwensiya ng mga Amerikano sa atin kaya minsan, mas marami pang basketball court sa mga barangay kaysa sa Health Centers. Kaya naman, mulat ang mga kabataan sa basketbol dahil 'yun lang ang nakikita nila sa paligid nila.
2. Mura lang mag-basketball.
Mura dahil pwede ito kahit sa ilalim ng puno, sa gym ng barangay. Pwede kang maglaro kahit wala kang sapin sa paa, pwedeng maglaro ang mga lalaki ng walang pang-itaas at pwedeng half-court lang ang laro kung kulang ang tao. May mga mumurahing bola na madaling mabili kahit sa mga palengke. Hindi gaya ng soccer na dapat daw ay sport ng mga Pinoy, kailangan mo ng malaking bakanteng lote na patag, high socks, goal, at higit sa lahat, soccer ball na sa pagkakaalam ko wala pang binebenta sa probinsiya namin.
3. Madaling matutunan ang basketball.
At madali din makita ang mga resulta nito. Shoot lang ng shoot. Di gaya ng soccer na pasensyahan bago ka maka-goal. Sa totoo lang, nainip ako nang minsan mag-cover ako ng larong soccer noong Intrams namin sa sobrang tagal maka-goal ng parehong team, pero sabi nga nila, andun ang excitement ng laro na parang hindi ko naman nadama dahil umuulan noon.
4. Mas may exposure ang basketball sa Pinas.
May PBA, UAAP, NCAA at PBL sa Pinas. Dati pa nga may MBA ba yun, yung bawat probinsiya sa Pilipinas, may team. Nueva Ecija Patriots yung sa amin, ang star nun sa pagkakatanda ko ay si Willie Miller.
5. Pwedeng laruin ng kahit sino ang basketball.
Ang basketball, kahit mayaman o mahirap pwedeng maglaro. Ang soccer, halos pang-coño, laro ng mga middle-class, dahil na din siguro sa mahal ng mga gamit. Wala nga akong nakitang soccer field sa buong probinsiya lalo na sa major cities bukod doon sa nasa pamantasan namin. Improvised pa ang high-socks ng mga manlalaro. Walang soccer shoes kundi yung sneakers na pamasok din nila.

Marami sa atin ang nagsasabi na
ang pagkakaroon ng isports ng ating mga estudyante ay istorbo lang sa kanilang
pag-aaral. Kadalasan ang paglalaro ng basketbol o ano pa mang uri ng isports
ang sinisisi sa mababang grado ng mga mag-aaral. Minsan ngang mayroong
nakapagsabi sa akin kung may mapapala ba ako sa kakalaro ng basketball,
nakakatulong ba ito sa aking pagpasok sa kolehiyo o pagkakaroon ng mataas na
grado. Hindi na lang ako umimik. Alam ko hindi niya alam ang kanyang sinasabi.
Simula noong 2 years old ako ay nagsimula na
akong naglalaro ng basketball. Nakita ng aking nanay at tatay ang potensyal ko
sa paglalaro, kaya sa murang edad ay pinasali na ako sa mga summer clinics at
mga laro na nagaganap sa aming lugar o basketball leagues. Hanggang sa ako ay
nasa ika-4 na baitan, kasali na ako sa varsity team sa Bohol Wisdom School. Umabot
nga ako ng CVIRAA, isang regional na laro, na dito lang mismo sa ating
probinsyang Bohol ginanap. Kampyon nga ang aming koponan ng city meet bago kami
grumdweyt sa elementarya. Hindi lang doon nagtatapos, nag junior high nalang
ako sa Immaculate Heart of Seminary hindi pa rin ako huminto sa paglalaro kasi
parang nasa aking sistema ito. Isinabuhay ko na ito. 
Sa kahit na anung laro, bahagi ng tagumpay kung anung uri ng
pag-eensayo ang ginagawa namin. Kaya bilang isang player, dapat magiging
masigasig, matiyaga at masipag tayo sa lahat nang ipapagawa ng ating coach
natin.  Lilinawin ko lang na hindi purket
mahirap ang pinagdadaanan mo na ensayo ay isa ng kasiguraduhan mananalo ka na..
Dahil kung halimbawa ang kahinaan ng kalaban mo ay bilis pero ang iniensayo mo
ay lakas hindi ka parin makakasiguro kung mananalo ka dahil maaring malakas rin
siya at hindi natin mapakawari kung masasabayan mo nga ang lakas niya at kung
hindi ay malamang matalo ka at ito ay dahil sa hindi angkop na pag-eensayo.
Isang katotohanan na dapat malaman ng marami na kung minsan o madalas ang
nangyayari sa aktuwal na laro kumpara sa ensayo ay magkaiba. Kung kaya marapat
na hangat maari sa ensayo palang ay damahin mo na na totohanan ang ginagawa
ninyo dahil kung hindi baka sa totohanang laro ay mangapa ka at pag nangyaring
nakita ito ng kalaban ay siguradong sasamantalahin ito laban sa inyo. Sabi nila
sa tingin mo panalo ka na sa ensyao ay panalo ka na rin sa laro pero para sa
akin iba parin ang nagiging mautak at maingat. Sabi ko nga noon sa isa kung
artikulo bilog ang bola kung kaya kahit gaano ka kahanda mainam paring huwag
gaano maging kampante.
Sa mga laro namin, hindi ko talaga masasabi kung sino ba talaga
ang mananalo sa isang laro kahit ba na kung minsan ay napakalinaw na ng mga
binabasehan mo ayon sa nakaraan ng magkabilang koponan. Yun ang nagpapaganda sa
larong basketball, minsan nangyayari yung mga bagay na hindi mo inaasahan. Alam
mo yung pakiramdam nung isang manonood na nasaksihan niya na natalo ng isang
mahina na koponan yung koponan na kinikilalang malakas sa liga na iyon?
Magtatanung ka kung paano nangyari yun? Kung minsan paulit-ulit mong tinatanung
sa iyong sarili o di kaya sa mga kasamahan mo na nakapanood rin ng laro, di
kayo makapaniwala at minsan ay namamangha nalang.
Malakas ang pakiramdam ko na mas maraming mga
kaisipan at pangyayari sa buhay na lalo nating maliliwanagan o maiintindihan
kung gagawin nating halimbawa ang larong ito. Sabi nga nila “Dont take life
seriously because you’ll not get away alive” parang ganoon ang pagkakatanda ko na
kung saan ay totoo, kaya nga kung minsan sabi nila life is like a game and in
order to win the game you must learn how to enjoy it.
Maganda ang naidudulot ng isports sa atin. Mas
marami ang positibong dala nito kumpara sa negatibo. Ang isports ang magdadala
sa atin sa ating tagumpay, dagdagan pa natin ng pag-aaral at pagdarasal.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento